Sunday, April 30, 2006

CB study



The client wanted to have a teaser billboard about sa costume ni Captain Barbell. Well pinagmamalaki kasi nila na ginawa siya sa abroad. Yup, ganun po ka-bongga yun at hindi ko sasabihin magkano siya inabot. Papatayin po ako ng GMA kung sasabihin ko sa inyo hehehe! Anyway, ang kaso po ay wala pang materyal! Hindi pa kami nagpipictorial! Wala akong choice kundi gumawa ng milagro. Napilitan akong gumawa ng katawan ni CB sa photoshop.

Eto po ang kinalabasan. Well ideally gusto ko sana nakatungo si CB as shown sa study ko. Teaser na teaser sana ang dating. Mukha kasing humble yung hero yet very strong! Ayoko ng mayabang na superhero pero walang existing photo si Richard na nakayuko. Again hindi pa kami nag-pipictorial kaya hinablot ko itong photo niya sa pictorial ng Mulawin! Well, hindi talaga lahat ng gusto natin ay nasusunod...