Monday, April 23, 2007

Marquee Town


A recent project i did which served as a backdrop in an event. Antagal mag-3D sa Photoshop! I should learn Maya or other 3D software na.

True or False


A tricky false cover we did in Abante for Lupin. Nung una akala ko hindi ito pwedeng gawin. Hindi kasi ako nagbabasa ng dyaryo e kaya hindi ako aware hehe!

Tuesday, April 10, 2007

Lupin Report


These are the loose pages ng Lupin press brochure -so far the bloodiest brochure i've ever made! Given the amount ng time at concept na kailangang panindigan eh talagang bloody-crap ang inabot ko.

Since pagnanakaw ang tema ng Lupin, we've decided to come up with an investigative report style na press brochure. Ang drama namin dito eh gumawa ng isang compilation kuno ng lahat ng materials na na-gather ng isang anonymous reporter tungkol sa kontrobersiyal na karakter na si Lupin (Richard). Iti-nurn over niya ito kay Inspector (Janno) para mapasa-kamay ng awtoridad ang kaso.

Naglagay kami ng mga post it notes kung saan mababasa ang mga side comments ng anonymous reporter. Sinigurado naming madadaanan namin ang plot ng istorya ng Lupin sa pamamagitan ng mga pahina nito habang hindi nakakalimot na ito dapat ay magmukhang totoong research materials.

Ang cover nito ay ginamitan ng cotton string na iniikot para magsara. Para siyang folder ng confidential files -GMA Entertainment style!

Wednesday, April 4, 2007

Lupigin si Lupin


Sa wakas at nailuwal ko na ang launch nito! Whew, natapos nanaman ang isang matinding gyera ng puyatan sa opisina!Nakapag-focus ako sa print reqs at below the line collaterals nito as compared sa ibang nai-launch ko. Though may tutok pa din naman ako sa mga previous shows pero mas nakapaglaro siguro ako dito dahil most of the tv promos eh writer ko ang tumutok, habang ako sa collats at print muna nagpakasaya :) Tnx fartner!

I'll follow through this post with the per page spread ng ginawa kong press brochure na mala-dossier (kung tama spelling ko). Ito ay parang classified files na inipon para sa research. Well ganun ang drama namin kasi masalimuot at mala crime, drama, action ang tema ng Lupin.

Para sa mga nakapanood o nakabasa pala ng Lupin anime, well hindi po ito inadapt dun. Mas may influence ito ng European version, ang original na Lupin.

Sa Lunes na ito mga tsong! April 9, Araw ng Kagitingan. Sabay-sabay nating lupigin ang bandidong bibihag sa puso niyo, LUPIN! Nakanang... nagpromote?