Thursday, August 16, 2007

spark


Independent films produced by the Artist Center's batch of graduates. This was seen at Robinson's Galleria facade along with other billboards.

Saturday, August 11, 2007

Artist Center portfolio


Part of the "Fumafashion" series (title ko lang yun) for Artist Center's portfolio. Lineup ito ng mga artista na under sa kanila :) Apat lang ang pinost ko pero actually mga more than a hundred sila! Wacko di ba? Instantly bumuo kami ng team ng apat na ADs (Art Directors) to take on the project. 4 consecutive days ito na may ibang days na simultaneous ang shoot so dividing the project among the four of us really did the job. Ako na lang ang nagbigay ng guide and direction sa team (the 3 other ADs, photographers, set designers, etc) kung anong "feel" or tonality/personality na gusto naming i-exude ng mga artista. So palakpakan natin ang mga tumulong sa akin na nag-Art Direct: Si Charlie Teodoro, Cecil Villamar at ang partner/writer/(AD na din) na si Rachel David! Plak plak plak plak plak!!!!

By the way itong apat ang el favorito ko sa mga dinirek ko.
Jay Tablante with his team, Space Academy did the props, styling, makeup and the shots.

Thursday, May 31, 2007

tok-ad


Concept ng isang game board. Natuwa ako dito though hindi nga lang ako masyadong nakapaglaro dahil malinis na gameboard ang gusto ng client hehe!

(Uy, napansin mo? 6+1 sa dice = 7! As in GMA7! haha wala lang)

tok board



Here are the storyboards for a series of promo plugs we've done for the newest gameshow TOK! TOK! TOK! Isang Milyon, Pasok! Gumawa ako ng anonymous player na sabi nila eh ako daw yun. Siguro nagkataon lang pero hindi ko sinasadya haha! Every door is a surprise dahil hindi mo alam kung ano ang nasa loob na challenge. Nood kayo tuwing Linggo 7:00PM sa GMA lang :)

Saturday, May 26, 2007

tok tok tok


Tok! tok! tok! May bagong project na pumasok!
A teaser plug storyboard for a new gameshow kung saan may tatlong non celeb players na sasagot sa tanong ni paolo bediones (host). Ang contestant na makakasagot nang tama ang siyang makakagamit ng isang malaking dice. Ang numerong lalabas doon ang number of boxes or rather doors na lalaktawan ng corresponding pamato niya na isang celeb. Parang Monopoly di ba? Then kailangang buksan ng celeb ang pinto kung saan siya huminto. May nag-aabang na mga pakulo't hamong naghihintay sa kanya.

Friday, May 11, 2007

Portrait


Lupin perimeter banners

Monday, April 23, 2007

Marquee Town


A recent project i did which served as a backdrop in an event. Antagal mag-3D sa Photoshop! I should learn Maya or other 3D software na.

True or False


A tricky false cover we did in Abante for Lupin. Nung una akala ko hindi ito pwedeng gawin. Hindi kasi ako nagbabasa ng dyaryo e kaya hindi ako aware hehe!

Tuesday, April 10, 2007

Lupin Report


These are the loose pages ng Lupin press brochure -so far the bloodiest brochure i've ever made! Given the amount ng time at concept na kailangang panindigan eh talagang bloody-crap ang inabot ko.

Since pagnanakaw ang tema ng Lupin, we've decided to come up with an investigative report style na press brochure. Ang drama namin dito eh gumawa ng isang compilation kuno ng lahat ng materials na na-gather ng isang anonymous reporter tungkol sa kontrobersiyal na karakter na si Lupin (Richard). Iti-nurn over niya ito kay Inspector (Janno) para mapasa-kamay ng awtoridad ang kaso.

Naglagay kami ng mga post it notes kung saan mababasa ang mga side comments ng anonymous reporter. Sinigurado naming madadaanan namin ang plot ng istorya ng Lupin sa pamamagitan ng mga pahina nito habang hindi nakakalimot na ito dapat ay magmukhang totoong research materials.

Ang cover nito ay ginamitan ng cotton string na iniikot para magsara. Para siyang folder ng confidential files -GMA Entertainment style!