Monday, July 17, 2006

Linlang


Ito ang unang drama program na nabigay sakin ever since napunta ko dito sa GMA :) Now and Forever presents "Linlang"!

Unang-una, hindi pala kasindugo ang pictorial nito given kasi na mas konti ang cast at ikalawa hindi nila kailangan ng sandamakmak na pose variations gaya ng nakasanayan natin sa mga "superhero" programs. Kailangan mo lang mahanapan ng magandang anggulo yung artista, makapag-project siya accdg sa character na gagampanan niya, some drama-drama achuchuchu, chuva-chenes kachorvahan (nababakla na ang terms ko) at yun na siya!

I won't deny na na-inspire ako sa isang movie poster na may mukha yung flower. Yun yung nag-spark na idea kung bakit ganito yung execution. Concept namin ng writer ko is "what's wrong with the picture?" or in this case, there's something mysterious with the picture.

"Linlang" is a story of deceit, intrigue, mystery and dark secrets among different people entangled in the web of dark love affairs... ... ... wow profound!!!

Mahiwaga



Napansin ko na wala pa pala akong na-post na storyboard (stb for short) dito sa blog. Ironic nga naman dahil majority ng oras ko sa office ay puro ganito ang ginagawa ko.

Anyway, anniversary ng Mahiwagang Baul and they requested for a new opening billboard (obb) for their show. Gusto ko i-explore sa concept kong to yung imagination ng isang bata. Makulay, wild yet positive, varied but never too complicated, approachable ang tone.

Well ang kwento kasi (for those not familiar with Mahiwagang Baul) pumapasok yung mga kids sa loob ng baul where in nata-transport sila sa mundo ng mga kwento at alamat. Medyo Super Book pala ang dating no? hehe ngayon ko lang napansin :)

So dito sa stb concept ko, Gusto ko ma-capture yung thought na pumasok ka sa loob ng baul at makita mo ang isang mahiwagang mundo na puno ng makukulay na kwento at alamat.

Gusto ko din tuluyang maging icon ng programa si "Owl". Hindi siya binigyan ng pangalan at never naman talaga siya naging part mismo ng programa noon pa man. Naisama lang siya sa design ng artist na nag-launch nito last year. Pero para sa akin siya ang storyteller sa show. Hindi mo siya nakikita. Observer lang siya pero siya yung nakakakita ng lahat ng pangyayari. Medyo mysterious ang interpretation ko kay "Owl" and i've somewhat fallen in love with this unseen character. Siya yung "mahiwaga" para sa akin.