Mahiwaga
Napansin ko na wala pa pala akong na-post na storyboard (stb for short) dito sa blog. Ironic nga naman dahil majority ng oras ko sa office ay puro ganito ang ginagawa ko.
Anyway, anniversary ng Mahiwagang Baul and they requested for a new opening billboard (obb) for their show. Gusto ko i-explore sa concept kong to yung imagination ng isang bata. Makulay, wild yet positive, varied but never too complicated, approachable ang tone.
Well ang kwento kasi (for those not familiar with Mahiwagang Baul) pumapasok yung mga kids sa loob ng baul where in nata-transport sila sa mundo ng mga kwento at alamat. Medyo Super Book pala ang dating no? hehe ngayon ko lang napansin :)
So dito sa stb concept ko, Gusto ko ma-capture yung thought na pumasok ka sa loob ng baul at makita mo ang isang mahiwagang mundo na puno ng makukulay na kwento at alamat.
Gusto ko din tuluyang maging icon ng programa si "Owl". Hindi siya binigyan ng pangalan at never naman talaga siya naging part mismo ng programa noon pa man. Naisama lang siya sa design ng artist na nag-launch nito last year. Pero para sa akin siya ang storyteller sa show. Hindi mo siya nakikita. Observer lang siya pero siya yung nakakakita ng lahat ng pangyayari. Medyo mysterious ang interpretation ko kay "Owl" and i've somewhat fallen in love with this unseen character. Siya yung "mahiwaga" para sa akin.
1 Comments:
Cool blog, interesting information... Keep it UP where to buy amazon factor cancer treatment Battery charger circuit diagram 95 mazda b2300 shackle hangers Breast cancer bone cancer asbestos attorney cancer law lawyer mesothelioma14961038 Clomid pharmacies in canada
Post a Comment
<< Home